Biyernes, Agosto 1, 2014

PAGPAPAHALAGA

ANO NGA BA ANG PAGPAPAHALAGA?

     Ito ay isang paraan ng pagmamalasakit natin sa kapwa. Kung wala ito, wala na rin sigurong kaayusan sa mundo dahil ang pagpapahalagaay isang bagay o elemento na dapat gamitin sa buhay ng isang tao. Ito ay nakakatulong upang isaayos ang buhay ng bawat isa, nakakatulong rin ito sa pagbibigay ng importansya sa isang bagay o tao.




     Ang pagbibigay ng komunikasyon sa loob pamilya ay isang mahalagang elemento na dapat natin itatak sa ating puso't isipan. Ito ang relasyong nagpapatatag sa isang pamilya. Dahil nga Pilipino tayo, may tinatawag tayong "family's first". Ginagawa natin lahat ng ating makakaya para lang makapagbigay ng oras sa kanila kahit minuto og segundo man lang. Gaya nga sa PBB (Pinoy Big Brother) binibigyan lamang ang mga housemates ng 100 segundo para makapiling ang kanilang pamilya. Kung tutuusin ay napakaliit lang na oras ang inilaan sakanila para makapiling ang kanilang pamilya pero dahil sa pagka miss nila nito ay hindi na sila nagreklamo agad na nilang ninamnam ang bawat segundong lumilipas na magkasama. 'Yan ang Pinoy! Ginagawa lahat ng paraan para mapanatiling maayos ang relasyon at pamumuhay ng pamilya. Pagkakaisa sa adhikain ng bansa at ang pagmamalaki bilang Pinoy.




I- PLAY ANG VIDEO NA ITO PARA MAALIW AT MARAMDAMAN ANG ESENSYANG IPINAPAHIWATIG


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento